This blog contains my reactions and oppositions to Bob Ong's writings (Ang Pabloritong Libro Ni Hudas) about cellphones. It's in Tagalog so for English-speaking people, bear with me. I might translate it into English soon....
Haayyy... Hindi naman pala ganon kagaling si Bob Ong sa pag-iisip tungkol sa cellphone. Bakit? Anong nagawa nang cellphone sa kanya nong bata pa siya kay ganoon nalang ang galit nya sa mga cellphone dito sa mundo?
Sabi nya, more or less, eh, kinu-control na raw nang cellphone ang buhay ng mga gumagamit nito. Heller! Eh kasalanan ba yon nang cellphone? Bakit ba, may utak naba ngayon ang mga cellphone para i-hypnotize ang mga gumagamit sa kanila para gumawa nang mga hindi dapat gawin? Kung ganon na nga, bilib na talaga ako sa teknolohiya. Hindi naman kasalanan nang cellphone yan eh. Kasalanan nang mga gumagamit at nagpapagamit na mga tao. Sa totoo lang, malaki ang pakinabang nang cellphone sa mga buhay natin. Hindi lang naman sa masama nagagamit ang cellphone, pati na rin sa kabutihan. Halimbawa na lang, yung mga fundraisers na ang ginagamit pang raise nang funds ay through text. At kung meron kang ka-meet sa mall or sa daan ay hindi na sasakit ang ulo mo sa pag-alala kung nasan na yung ka-meet mo kasi may text at call na. At pwede na rin gamitin ngayon ang cellphone para makapagpadala nang pera sa mga nangangailangan. Ito rin ang ginagamit nang magsyota para ayusin kung anumang away na namagitan sa kanila. Hindi mo ba nakikita? The cellphone builds bridges and not gaps!
Hindi dapat isisi sa bagay ang mga kaguluhan dito sa mundo kundi isisi sa tao. At hindi rin sa service provider dahil nagtratrabaho lang naman sila ahh. At lalong hindi natin dapat isisi sa mga cellphone companies dahil ang gusto lang nila ay magatulong sa pandaigdigang kaginhawaan. Gusto lang nilang sumaya at guminhawa ang buhay natin sa pamamagitan ng mga teknolohiya.
Ang sekreto lang sa paggamit nang cellphone ang ang tinatawag nating "moderate use". Kailangan lang na i-control ang paggamit nito. Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa mga sinasabi nang service providers.
Ako nga, ginagamit ko lang ang cellphone ko sa mga importanteng bagay. Hindi ako nagtetext tungkol sa mga tsismis at hindi makabulohang bagay. Dahil din sa cellphone eh nakukumusta ko yong mga mahal ko sa buhay dito sa Pilipinas at sa New Zealand.
Tandaan lang natin na tayo ang dapat may control at hindi ang bagay na dapat kino-control. At gamitin nang sakto ang mga teknolohiya, huwag i-abuso at gawing masama sa paningin nang tao.
This is only an opinion. I don't have anything against Bob Ong. I actually find him funny and I'll be buying his other books. Peace out Bob!
0 comments:
Post a Comment